最新更新日:2024/05/30
本日:count up34
昨日:45
総数:707474
【校訓】きわめる子 あたたかな子 きたえる子

Tungkol sa Pagsisimulang Muli ng Aktibidad sa Club “bukatsu” ng mga Paaralan sa Elementary at Junior HighSchool, Gayundin sa pagkakaroon ng klase sa panahon ng Summer vacation at mga Programa ng paaralan小中学校の部活動の再開、及び夏休みの授業実施、学校行事等について(タ)

Noong May 15 ay ipinaalam na namin sa impormasyon [Tungkol sa pagsisimulang muli ng klase sa mga paaralan ng Elementary at Junior High school] , Tungkol sa gagawin pa lang na schedule ng muling pagsisimula ng ‘bukatsu’ at ang tungkol sa pagkakaroon ng klase sa panahon ng summer vacation. Ngayon, ay nakasulat po sa ibaba ang buong detalye na napag desisyuan. Inaasahan namin ang inyong pang-unawa at kooperasyon.
   TALA
1 Tungkol sa Aktibidad sa Club “bukatsu”
・Sisimulan ito mula June 29 (Monday)
Pansamantalang hindi ito katulad ng regular na aktibidad sa “bukatsu”, bibigyan ng konsiderasyon ang kakayahan ng katawan ng mga Mag-aaral gayundin upang maiwasang mahawa sa sakit, magkakaroon din ng limitasyon sa oras at mga gawain ng aktibidad sa pagpapatupad nito.
・Hanggang sa buwan ng August ay sa loob lamang ng paaralan magsasagawa ng aktibidad at hindi muna magkakaroon ng mga kompetisyon. Subalit, ang mga Mag-aaral ng 3rd. year Jr. High School lamang ang magkakaroon ng pagsasama-sama sa “bukatsu” sa mga kalapit na paaralan na isasagawa simula July 23 (Thurs) ~ July 26 (Sun).

2 Tungkol sa pagkakaroon ng klase sa panahon ng Summer vacation
(1) Mga araw na mayroong klase (Maliban sa araw ng Saturday, Sunday, Holidays)
・ July 21 (Tue) ~ July 31 (Fri)
・August 24 (Mon) ~ August 31 (Mon)
※ Sa umaga ay mayroong 5 oras na aralin (Mayroong School lunch). (Tingnan ang Schedule na nasa ibaba)
※ Simula sa August 1 (Sat) ~ August 23 (Sun) ay walang pasok bilang Summer vacation.
※ Sa July 31 (Fri) ay ipapamahagi ang School report card para sa 1st. Semester.
(2)Schedule
 Sample: Elementary
Pasok 1st. sub
8:45 ~
9:20 Break
time 2nd. sub
9:30 ~
10:05 Break time 3rd. sub
10:25 ~
11:00 Break
time 4th sub
11:10 ~
11:45 Break time 5th sub
11:55 ~
12:30 Lunch
12:30~
13:15 Paglilinis
13:15 ~
13:30 Uwian
13:30 ~

 Sample: Junior High school
Pasok 1st. sub
8:45 ~
9:25 Break
time 2nd. sub
9:35 ~
10:15 Break time 3rd. sub
10:25 ~
11:05 Break
time 4th sub
11:15 ~
11:55 Break time 5th sub
12:05 ~
12:45 Lunch
12:45~
13:25 Paglilinis
13:25 ~
13:40 Uwian
13:40 ~

※Ang mga detalye ng Schedule o (oras) ay ipapaalam ng bawat paaralan



(3)School lunch (Special School lunch sa Summer vacation)
Panahon: Simula July 20 (Mon) hanggang July 31 (Fri)
Simula August 24 (Mon) hanggang September 1 (Tue)
※ Simula sa July 20 (Mon) ~ September 1 (Tue) ay mayroong 5 oras na aralin sa umaga at mayroon ding School lunch.
・Dahil sa High temperature at High humidity at pagkabahala sa food poisoning ay magkakaroon ng special school lunch menu na hindi na niluluto. Ang menu list para dito ay aming ibibigay sa bawat paaralan pagdating ng kalagitnaan ng buwan ng July.
(Ex) roll bread, jam, gatas, fish meat sausage, vegetable jelly at iba pa.
・Bagama`t kung ikukumpara sa normal na school lunch na kahit medyo kakaunti lang ang menu nito at dami ng pagkain, ay pareho pa din ang bayad dito dahil sa mahal ang halaga ng bawat pagkain na indibidwal na nakabalot at hindi na kinakailangan pang lutuin pa. Ang bayarin para sa School lunch sa buwan ng August ay otomatikong kokolektahin sa inyong niregister na bank account sa September 10 (Thu).
  
(4)Pag set-up ng Follow-up week sa Junior High School
・Ito ay para lamang sa mga mag-aaral na nagnanais na malaman kung nauunawaan ang nilalalaman ng aralin at magsasagawa din ng review sa mga aralin at consultation activity tulad ng nakasulat sa ibaba.
Date: August 3 (Mon) hanggang August 7 (Fri)
NILALAMAN: Ang schedule ng nilalaman ng impormasyon at oras ng pagsasagawa nito ay magmumula sa bawat paaralan. Ang buong detalye ng impormasyon tungkol dito ay ipapaalam ng bawat paaralan sa susunod.

3 Tungkol sa mga Programa ng paaralan
・Sa mga program ng paaralan tulad ng (Sports fest・Intrams・Cultural festival) na pinapahalagahan din tulad ng aralin, ay pinag iispan na ito ay isagawa sa bagong istilo upang makaiwas sa pagkakahawa sa sakit na COVID-19 “new corona virus”.
・Tungkol sa Educational tour “shuugaku ryoko”, at upang maging isang memorable moment sa huling taon sa paaralan, ay bibigyan ng pansin ang mga bagay upang maiwasan ang pagkakahawa sa sakit, at pag-iisipan kung saang lugar ang pupuntahan at kung kailan ito isasagawa, sa ngayon, ito ay nakaplanong ituloy.
  
4 Tungkol sa pag-iwas sa heat stroke
・Kung may posibilidad o risk na magkaroon ng heat stroke, ay bibigyan sila ng instruction na tanggalin ang suot na mask sa oras ng pag pasok sa paaralan at pag-uwi.
・Pinapayagan ang paggamit ng payong panlaban sa init, neck cooler (Cool towel), basang towel, at pagdadala ng ice pack. (Maaari ring gumamit nito kahit hindi sa panahon na summer vacation)
・Magpadala din ng maraming baong inumin. Pinapayagan ding magdala ng Sports drink.



※ Sa susunod kung may ibibigay na request ang bansa at prefecture o magkakaroon ng pagbabago sa mga nakasulat sa itaas upang makaiwas sa paglaganap ng sakit, ay aming ipapaalam ito sa inyo sa pamamagitan ng emergency mail o ito ay makikita sa homepage ng paaralan,


  1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30        
小牧市立光ヶ丘小学校
〒485-0811
愛知県小牧市光ヶ丘3丁目50番地
TEL:0568-79-4466
FAX:0568-79-4468