最新更新日:2024/03/26
本日:count up22
昨日:46
総数:701349
【校訓】きわめる子 あたたかな子 きたえる子

2学期運動会の延期・変更について(タ)Tungkol sa extension at pagbabago ng petsa ng Sports fest

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa mga Magulang sa walang sawang pakikipag kooperasyon at pag- unawa sa mga aktibidad ng paaralan. Ang Sports fest na naka planong dapat na isagawa sa September 26 (Saturday) ay mahihirapang ipatupad dahil sa kalagayan ng COVID-19 “New Corona Virus Infection” sa ngayon. Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at kooperasyon sa mga pagbabago ng schedule tulad ng nakasulat sa ibaba.
                  TALA
1 開催日時について Tungkol sa Petsa at oras ng programa
・ November 21 (Saturday) Araw na naka plano ang School Open Class
(Kapag umulan itutuloy sa November 24 (tue))
・ 1st. batch Grade1・4・5 8:40〜 9:50(11:40 oras ng uwian)
  2nd. batch Grade2・3・6 10:10〜11:20 (11:40oras ng uwin)
・ Papasok ang mga Mag-aaral tulad ng parating oras ng pasok, at magsasagawa ng klase at “undoukai
・ Hindi kailangang magbaon ng “obento”
・ Hindi magsasagawa ng Class observation sa loob ng Classroom. Ang mga Magulang ay pupunta ng School ground upang manuod ng programa.
・ Ang kapalit na araw na ipinasok noong Sports fest ay sa November 30 (Monday) at Sa September 28 (Monday) ay may regular class.
2 内容の変更について Tungkol sa nilalaman ng pagbabago
 ・ Mayroong 2 competition ang bawat antas at upang magkaroon ng physical distancing, pag-iisipan ang mga gagawing programa na hindi na kakailanganin ng mahabang pagsasanay.
 ・ Hindi din magsasagawa ng cheering at competition na may maraming tao upang mapanatili ang physical distancing.
・ At bagama`t ang mga higher graders ang tutulong upang magligpit at maghanda ng mga gamit para sa programa ay sisikapin na limitado lamang ang ipapagawa.
・ Hindi din tutugtog ang Marching band ngayong taon.

3 留意点 Mga dapat isa-isip
 熱中症対策について Tungkol sa pag-iwas sa Heat stroke
 ・ Ipapaalis ang nakasuot na mask at magbibigay ng sapat na distansya sa oras ng competition.
・ Papainumin ng tubig, pagpapahingahin ng sapat at titingnan ang kalagayan ng kalusugan ng mga bata habang nasa aktibidad. Magpadala ng maraming baong inumin na tsaa or tubig.
 参観者について Tungkol sa mga Audience/ Manunood
 ・ Bagama`t walang limitasyon ang mga manunood, hinihiling na magsuot ng mask at laging isa-isip ang ikinikilos upang mapanatili ang physical distancing.
・ Iwasang pumunta sa paaralan ng nakasasakyan

      1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31  
小牧市立光ヶ丘小学校
〒485-0811
愛知県小牧市光ヶ丘3丁目50番地
TEL:0568-79-4466
FAX:0568-79-4468